United Nations Disasters Relief Office (yu•náy•ted néy•syons di•sás•ters ri•líf ó•fis)
:
itinatag noong 1971 ng UN General Assembly, pangunahing tungkulin nitó ang pagmobilisa at pangangasiwa sa mga gawaing pangkaligtasan sa panahon ng kalamidad
United Nations (yu•náy•ted néy• syons)
:
pinaikling United Nations Organization
United Nations Organization (yu•náy• ted néy•syons or•ga•ni•zéy• syon)
:
organisasyon ng mga bansa na itinatag noong 1945 upang itaguyod ang kapayapaang pandaigdig, seguri-dad, at pagkakaisa
United Nations Environmental Programme (yu•náy•ted néy•syons en•váy• ron•mén•tal próg•ram)
:
a
itinatag noong 1972 ng UN General Assembly, layunin nitóng palaga-napin ang pagkakaisang pandaigdig hinggil sa mga usaping pangkali-giran. Aktibo ang UNEP sa pagsubaybay ng sumusunod
b
klima, ozone layer, pagtatápon ng basura, pagka-sirà ng kagubatan at tubigan, pagtitipid sa enerhiya, at kalusugan
United Nations Children’s Fund (yu•náy•ted néy•syons tsíld•rens fand)
:
itinatag ng UN noong 1946 upang magdulot ng pagkain, damit, at mga programang panrehabili-tasyon sa mga batà ng Europa na bik-tima ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 1950, itinalaga ang UNICEF para sa pangangalaga ng kapakanan ng mga batà sa buong mundo
United Nations Development Programme (yu•náy•ted néy•syons de•vé• lop•mént próg•ram)
:
isang global development network ng UN, ipinalalaganap nitó ang pagbabago at ang pag-uugnay ng mga bansa sa , karunungan, karanasan, at mga pintungan upang matulungan ang mga tao na magkaroon ang mga tao ng higit na mabuting búhay. Bahagi ng mga gawain nitó ang proteksiyon ng mga karapatang pantao at ang mga pagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan
United Nations Industrial Development Organization (yu•náy•ted néy•syons in•dás•tri•yál de•vé•lop•mént or•gá•ni•zéy•syon)
:
itinatag ng UN General Assembly noong 1966, isa itong nagsasariling sangay sa loob ng UN at may misyong pabilisin ang industriyalisasyon ng mga umuunlad na bansa
United Nations High Commission for Refugees (yu•náy•ted néy•syons hay ko•mí•syon for réf•yu•dyí)
:
itinatag ng UN General Assembly noong 1950, tungkulin ng ahensi-yang ito na pangunahan o pag-ugna-yin ang mga aksiyong pandaigdig upang pangalagaan ang mga refugee at lutasin ang mga problema ng mga refugee sa buong mundo
United Nations Fund for Population Activities (yu•náy•ted néy•syons fand for pó•pyu•léy•sion ak•tí•vi•tís)
:
isang pandaigdigang ahensi-yang pangkaunlaran na nagsusulong sa karapatan ng bawat tao upang magkaroon ng pantay na pagkaka-taon sa kalusugan at kabuhayan. Ginagamit nitó ang mga impormas-yong pampopulasyon para sa mga programa na may layuning paliitin ang kahirapan at tiyakin na bawat pagbubuntis ay nais, bawat panga-nganak ay ligtas, at bawat kabataan at malaya sa mga sakít tulad ng HIV AIDS
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (yu•náy• ted néy•syons ed•yu•kéy•syo•nál sá•yan•tí•fik end kúl•tyu•rál or•ga•ni• zéy•syon)
:
sangay ng UN na itinatag noong 1946 upang palaganapin ang pagtutulungan ng mga bansa sa mga larang ng edukasyon, agham, kultura, at komunikasyon. May punòng himpilan ito sa Paris at may 190 kasaping bansa noong 2004
United Nations Conference on Trade and Development (yu•náy•ted néy•syons kón•fe•réns on treyd end ín•das•trí)
:
itinayô noong 1964, ipi-nalalaganap nitó ang magkasanib na pagsulong ng mga umuunlad na ban-sa túngo sa kaunlarang pandaigdig
United Nations Commission on Science and Technology for Development (yu•náy•ted néy•syons ko•mí•syon on sá•yans end tek•nó•lo•dyí for de•vé• lop•mént)
:
itinatag noong 1992 pagkaraan ng isang kumperen-siya ng UN sa Vienna at ipinalit sa mga dáting lupon sa agham at teknolohiya ng UN
biglaan na pagbabago sa eksena, leksiyon, at katulad
3:
tingkad, katan-yagan na dulot ng tambis o pagka-kaiba
4:
a pagpapaumbok ng isang pigura o bahagi nitó kaysa ibang bahagi, gaya sa eskultura o katulad b pag-alsa ng ibang bahagi ng ilus-trasyon o ipininta upang magkaroon ng ikatlong dimensiyon
booking office (bú•king ó•fis)
:
opisina o pook na pinagdaraanan o binibilihan ng tiket sa mga sasakyan, palabas, loterya, at katulad
bas relief (bá re•líf)
:
eskultura o lilok na mababaw ang ukit
box office (baks ó•fis)
1:
opisina ng dulaan o katulad na pinagbibilhan ng mga tiket
2:
a
Tro pinagbilhan ng mga tiket para sa isang dula o katulad na palabas
b
popular na palabas na mayroong nagbabayad na manonood at kumikíta
post office (post ó•fis)
:
ang tanggapan ng pamahalaan na may tungkuling mamahala sa paghahatid ng mga sulat at iba pang bagay sa pamamagitan ng koreo
United States (yu•náy•ted ís•teyts)
:
bansa sa Hilagang America, binubuo ng mga estadong federal
United Kingdom (yu•náy•ted kíng• dam)
:
bansa sa kanlurang Europa, binubuo ng England, Wales, Scotland, at Northern Ireland
United States of America (yu•náy•ted ís•teyts ov a•mé•ri•ká)
:
United States
Association of Southeast Asian Nations (a•so•si•éy•syon ov sáwt•ist éy•syan néy•syons)
:
organisasyong pampolitika at pangkabuhayan ng mga bansa sa timog-silangang Asia (Brunei, Cambodia, Filipinas, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Viet Nam) na itinatag sa Bangkok, Thailand noong 8 Agosto 1967